Gelo. Food blogger. Graphic designer. Multimedia Arts student. DLS-CSB. Olongapeño. Rookie Runner. Beer drinker. Bookworm. Sweet tooth.

Most of the time I write about food but sometimes I design stuff and talk about life in general. I've also been living in Taft for around 8+ years now so check out my posts about the restos and food around Taft. When I'm not eating, I do websites.

Gears:
Canon EOS 400D
Canon EF-S 18-55mm f/3.5-5.6 II
Canon EF 50mm f/1.8 II
0.21X Digital King Fish Eye Lens Optics
National PE-2057 (old school flash)


All content belongs to Gelo Reyes unless specified otherwise and should not be used without permission. Opinions and ideas expressed here does not, in any way, represent organizations nor individuals, he is affiliated with.

 

Naglalagablab na mga Pangyayari

Regular food programming will be back tomorrow. Samantala, eto muna ang basahin mo kung interesado ka sa titulo ng akdang ito. Kung hindi naman ito para sa’yo, e di move on… parang pag-ibig. CHOS!

Read More

Olongaponggan

December 23, 2011

Akala ng mga kaibigan ko, Olonggaponggan ang tawag sa mga taga-Olongapo. Pero biro lang nila yun. Pero ang tawag talaga sa mga taga-Gapo ay Olongapeño. Kauuwi ko lang ng Olongapo. Mga tatlong oras na biyahe. As in mga ilang oras pa lang ako nakakarating at nasa Tumblr nanaman ako. Adik lang. Pero ang sarap talaga pag nasa bahay ka na. Ika nga nila, “There’s no place like home.

Sarap lang. Pagbukas ko ng ref namin, sumalubong ang sangkatutak na chocolates. Galing daw Switzerland. Binigay daw sa parents ko nung tenant sa apartment. Swiss kasi ung asawa. May isang kahon ng magagarang chocolates tapos may mga bilog-bilog na Lindt ung tatak. Tumikim ako ng isa. Ang sarap nga! Nagmemelt sa bibig ko ung chocolate. Kakaiba. Oh yes. Gusto ko pa. Pero mamaya na lang. Pipicturan ko siyempre un para makita niyo rin. Pero siguro mga next year ko na lang ipopost. haha! Joke lang. Baka mamaya ko rin i-post un. Pero ang masama dito, goodbye diet.

Pero good news naman. Pagkadating ko, nag-ayos ng mga gamit at nagtimbang ako. Yun talaga kagad ginawa ko eh. Haha! Nabawasan naman ng konting pounds ung last na timbang ko. Feeling ko malaki sana ung nabawas kung hindi ako tumigil sa pagtakbo. Pero keribels lang. At least hindi bumigat. Pero hindi pa tapos ang laban, ang daming events na dadating.

Pasko na sa Linggo. Piyesta ng Olongapo sa Biyernes. Bagong Taon sa susunod na Linggo. Ah wala na. Diet pala ha! Good luck na lang sa akin at sa inyo na rin. Nawa’y makontrol natin ang ating pagkain sa darating na mga pagdiriwang. 

One Early Morning Meeting and Some Other Events

December 03, 2011

Break muna sa posts ng pagkain. Kung gusto mo malaman ang nangyari sa akin kaninang umaga, tuloy mo lang ung pagbasa. Ang napapaloob sa post na ito ay tungkol sa akin, sa gaming, a series of unfortunate events, profanities,  jeepney rides at kung ano-ano pa. Basta wala munang pagkain dito ngayon. Medyo mahaba to pero tuloy mo lang ung basa kung interesado ka. Ayos?

Ang aga ko nagising kaninang umaga. Mas maaga kumpara sa ibang mga araw. Ang dahilan? Nakipagmeeting ako sa aking Aussie boss at kaniyang associates ng alas-siyete ng umaga. Sabado ngayon. 7 AM ung meeting. Hindi pa masyadong sikat ang araw. Mukhang ang oras nila ay Australian pa rin. Ayos lang naman. Malapit lang naman ung meeting place. Keep Calm and Keri lang. (FYI lang, ang trabaho ko ay work from home na in-house web/graphic designer ng isang Australian company).

Anyway, nung pagdating ko naman sa meeting ay mukhang naintindihan naman nila na mahirap nga gumising ng maaga on a Saturday morning. Dinaan na lang sa joke ng boss ko. Sabi na lang niya, “Sorry to drag you so early in the mornin mate!” Kelangan Aussie accent mo basahin yun. Basahin mo ulit. Ayos? Haha! Nagpakape naman si bossing at nagpapakain din ng almusal pero nahiya lang ako. hehe. Tumagal din ung meeting ng mga dalawang oras. 

Excited na ako makauwi pagkatapos ng meeting. Hindi ko alam kung saan ung sakayan ng jeep. Sabi ko sa sarili ko, “Follow your heart”. CHOS! hahaha! Pero yun nga, go with the flow lang sa mga tao. Nakaabot naman ako sa UN Ave. at dun ako nakasakay ng jeep. Medyo tirik na ung araw kaya mainit na rin. Gusto ko nang umuwi at humiga sa kama at buksan ang aircon at matulog. Medyo trapik pa sa may bandang Pedro Gil (lagi naman) kaya mas lalo akong nanabik sa higaan.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na rin ako sa building. Eto na! Akyat sa elevator. Ding! Bukas ng pinto ang elevator. Ang lapit na ng kama! Punta sa harap ng pinto. Hanap ng susi. Hanap ng susi. Hanap pa ulit. Hanap lang ng hanap. Yung susi ko? Yung susi ko…. Yung susi ko!!!!! Putangina!!! Fuck! Fuck! FUCK!!!!!! Potanginangfuckinangshet! Baka nandiyan pa si Ate! Ding dong! Ding dong! Wala na! POTAAAAAAAAAAAA!!! Hanap pa rin ng susi. Halughog ng bag. Wala pa rin. Kuha ng celphone. Ayun. Anak ng tinapa. Wala akong battery. Winner! Ako na ang panalo sa araw na ito.

Bumaba ako sa lobby para manghiram ng charger. Buti na lang meron. Tinatawagan ko Ate ko, hindi naman sumasagot. Nag-isip muna ako ng gagawin habang nagcha-charge. Tinext ko ung mga kaibigan kong malapit lang ung bahay para magpalipas sana ng oras kaso mga tulog pa yata nung tinext ko kasi hindi kaagad nagreply. Naisip ko na lang na magnet shop na lang muna at maglaro ng games. Kasi kagabi nung uminom kami ng barkada, puro gaming ang usapan. Habang naghihintay ng text o tawag ng kapatid ko, nagpunta muna ako sa isang net shop. 

Matagal-tagal na akong hindi nakakapaglaro ng kahit anong games. Wala kasi akong kahit anong consoles tulad ng PS3 o Xbox. Hindi rin kaya ng computer ko ung mga latest games. At madali rin akong maadik sa laro. Nilaro ko ung Call of Duty Modern Warfare 3 (COD MW3). Ung huli kong nalaro ung COD MW2 at sa net shop lang din. Saktong-sakto lang ung tawag ng kapatid ko eh. Mga wala pa yatang 5 minutes yung time ko, tumawag na. Pwede ko na daw kuhanin ung susi. Yes! Pero naisip ko, sayang naman ung pagpunta ko sa net shop. Naglaro na ako. Ayun, tumagal ako ng 2 hours lang naman. haha!

—- Begin: Gaming talk —-

Ang lupet lang ng graphics nung COD MW3. Tulo laway ko. Ganda nung mga loading screens. Parang sa movies lang. Lupet lang din nung mga missions. May mga underwater, parang zero gravity sa airplane habang nagbabarilan, nasa chopper ka, nasa tank ka, covert missions, sniper missions, bullet time, at marami pang iba! Unang mga missions pa lang yun!  Oh yeah! Talagang bumalik lang ung reflexes ko ng WASD controls at knife skills. haha!

—- End: Gaming talk —-

Kaya napatagal din ako ng 2 hours kasi sinasabi ko, “Last mission na to. Promise!” Tapos after nun, may magandang mission na susunod. Repeat. Tumigil lang akong maglaro nung mismong ung laro na ung nagpapatigil sa akin. Nagerror bigla eh. haha! Naisipan ko ng puntahan ung kapatid ko para sa susi. Medyo mainit na talaga to. Tanghaling tapat na yata un. Medyo nakaporma ng konti pa ang dating ko dahil sa meeting. Casual na long sleeves suot ko. Ang init lang. Pero katulad ng sinabi ko kanina, Keep Calm and Keri Lang.

Sumakay na ako ng jeep papuntang Buendia. Nakakatuwa lang ung nakita ko sa jeep. Di ba madalas laging kasama ni Manong drayber ung asawa at anak niya sa mga pasada? Nagiging taga kolekta ng bayad si Misis habang inaalagan si baby. Kanina ung nasakyan ko, mukhang galit si Manong drayber Nakakunot ung noo at magkasalubong ung kilay habang nagdridrive. Pero baka dahil lang siguro sa init ng panahon. Pero nung tumatawa ung anak niya, parang nawawala ung pagod at init ng panahon para sa kanya. Napapangiti na lang siya. 

Bumaba na ako ng Buendia para sumakay ng papuntang MOA. Ang nakaisip na gawing pampaseherong sasakyan ang mga multicabs ay may galit sa matatangkad na tao. Yung headroom at legroom pa lang tapos na ang usapan. Magiging close pa kayo ng mga tao sa paligid mo. Hindi lang kayo shoulder-to-shoulder, elbow-to-elbow, at knees-to-knees, kundi bones-to-bones na rin kayo. Kanina, ramdam ko ung buto sa tuhod nung kaharap ko eh. Wala naman akong magawa kasi wala naman na akong iuusog pa sa kinauupuan ko. Isa pang nakakaiinis sa multicab na papuntang MOA ay ung pagpasok at pagbaba mo. Kung hindi mo mahahawi lahat ng tuhod ng bawat tao dun ay may maaapakan ka. At ung mga barker at driver, gusto talagang siksik na siksik ang sasakyan para sulit ang pasada kahit nagsesebo na lahat ng tao sa loob ng sasakyan. Ang solusyon sa lahat ng to: Magtaxi ka na lang. Pero kung tagtipid ka, magtiis ka, gaya ko. hahaha! 

Ang ending: Nakuha ko ang susi at nakapasok na ako ng bahay kanina pa. Yey! Happy ending!

Pagbabago

Kung gumagamit kayo ng LRT-2, malamang napapadaan kayo dun sa connecting bridge galing Doroteo Jose LRT-1 station papuntang Recto station ng LRT-2. Naisulat ko noon na napansin ko sa paligid ng connecting bridge na yun ung ibang barong-barong na bahay, may aircon. Kanina, napadaan ako ulit doon.

Nandoon pa rin yung aircon. Nandoon pa rin ang mga barong-barong. Nandoon pa rin ang mga taong nakadungaw sa bintana habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa tulay. Nandoon pa rin ang mga damit na bagong laba at mga pinatutuyong labada. Pero meron din namang mga nagbago.

Dumami ung advertisements ng mga motel sa mga bubong ng bahay. May bayad kaya un? May mga bahay na bago na ung pintura. Hot pink ung isang bahay. Baka binagay lang sa panahon at kondisyon ng bahay. Mainit. May isang bahay na giniba na. Nandoon pa ung mga kahoy at plywood ng bahay. Baka nanalo ng lotto o kaya magpaparenovate o kaya baka magpapalagay din sila ng aircon.

Eh bigla kang natalsikan ng mainit na mantika

Masakit sa una pero unti-unti ring nawawala ung sakit sa pagtagal. Pag nagluluto ka minsan hindi mo maiiwasang masaktan… parang pag-ibig.  

Eh biglang nadelay ung sweldo

Ginawa mo naman na lahat ng dapat gawin. Sinabi na sayo na ibibigay na ng buong-buo. Nagplano ka na para sa hinaharap. Tapos biglang sinabi sayo, hindi pa ngayon, bukas. Nagpaasa lang pala… parang pag-ibig.  

Eh biglang umulan ng malakas.

May kasama pang hangin, kulog at kidlat. Kanina ang init-init pero ngayon ang dilim na ng langit. Ang gulo ng panahon… parang pag-ibig. 

Good News, Bad News

Good News: I successfully baked cookies! For the first time! Yey! Not done yet in baking. Just took a break to eat dinner.

Bad News: I burned my left thumb from the baking tray. ouch! 

Still, I’m happy that I can now bake stuff from my oven toaster! Yey! I’ll post the pics maybe after a few days. :)

Update: I just burned by index finger too! Nyaaar! I need oven mitts! 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...